top of page

Php 967,586,900.35 proposed budget ng MOLE BARMM para sa taong 2026, inilatag sa Technical Budget Hearing

  • Diane Hora
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inilatag ng MOLE BARMM sa Technical Budget Hearing ang kanilang proposed budget at specific allocations para sa taong 2026.



Full force ang Ministry of Labor and Employment BARMM sa Technical Budget Hearing para sa 2026 na isinagawa ng Ministry of Finance, and Budget, and Management BARMM.



Ang MOLE ay pinangunahan ni Minister Muslimin Sema.


Iprenisinta nito ang Php 967,586,900.35 proposed budget para sa susunod na taon.


Isinagawa ang Technical Budget Hearing araw ng Miyerkules, June 11 kung saan hinimay ang paglalaanan ng pondo kabilang na ang pagpapalawak pa ng employment opportunities, pagtataguyod ng labor standards, pagprotekta sa workers’ rights, at pagkakaroon ng industrial peace para sa isang resilient Bangsamoro labor force.


Ginarantiya ng MOLE ang full at efficient utilization ng budget nito sa pagpapatupad ng kanilang mandato na pagsisilbi sa workforce ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page