top of page

Pilipinas, nahalal muli sa International Maritime Organization Council, Category C sa taong 2026 hanggang 2027

  • Diane Hora
  • Dec 4
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Nagpapatibay umano sa posisyon ng bansa sa pandaigdigang usaping pandagat ang pagkakahalal muli ng Pilipinas sa International Maritime Organization Council, Category C, para sa 2026 hanggang 2027, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Sa report, binigyang-diin umano ng delegasyon sa London ang mahalagang papel ng Pilipinas bilang pangunahing pinagmumulan ng seafarers sa buong mundo.


Tiniyak ng pamahalaan, ayon sa ulat, ang patuloy na pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng mga marino, gayundin ang pagtutok sa mas ligtas, makakalikasan, at makabagong pag-unlad sa sektor ng maritime.


Mula pa noong 1964, aktibong kasapi ang Pilipinas sa IMO at nagsisilbi sa Council mula 1997.


Kinilala rin ang koordinadong trabaho ng MARINA at ng Embahada ng Pilipinas sa London sa pagkamit ng panibagong termino.


Magsasagawa ng pulong ang bagong halal na IMO Council sa December 4 para pumili ng bagong Chair at Vice Chair para sa susunod na biennium, ayon sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page