top of page

Pinaigting na kampanya kontra krimen ng PNP PRO 12, nagresulta sa pagkakaligtas ng 26 menor de edad at pagkakasamsam ng ₱417,901.20 halaga ng suspected shabu sa loob ng tatlong araw na operasyon

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit 400 sasakyan, karamihan ay mga motorsiklo, ang na-impound sa iba’t ibang operasyon at checkpoint na isinagawa ng mga tauhan ng PNP PRO 12 sa loob ng tatlong araw, kung saan nasamsam din ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱417,901.20 at mga smuggled cigarettes na tinatayang ₱22,669.44 ang market value.


Mula Disyembre 19 hanggang 21, 2025, ipinatupad ng PNP PRO 12 ang pagsisilbi ng warrants of arrest, anti-illegal drugs operations, anti-smuggling activities, at regular checkpoints, na may layuning pigilan ang krimen bago pa ito mangyari at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.


Sa loob lamang ng tatlong araw, naipatupad ng PRO 12 ang 12 search warrants at 20 warrants of arrest, habang tatlong buy-bust operations ang naisagawa.


Anim na loose firearms at isang explosive device ang nakumpiska, kasama ang pagkakarekober ng isang alarmed vehicle.


Mahigit 400 sasakyan, karamihan ay mga motorsiklo, ang na-impound sa iba’t ibang operasyon at checkpoint; nasamsam din ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱417,901.20 at mga smuggled cigarettes na tinatayang ₱22,669.44 ang market value.


Bukod sa kampanya kontra droga at ilegal na kalakalan, 26 menor de edad ang nailigtas sa iba’t ibang police interventions, na binigyang-diin ng PRO 12 bilang mahalagang bahagi ng kanilang mandato sa public safety at child protection.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page