top of page

Pinalalakas na police presence at Oplan Sita sa Zamboanga City, pinangunahan ni PRO 9 Regional Director Roel Rodolfo

iMINDSPH

Nanguna si PRO 9 Regional Director, Police Brigadier General Roel Rodolfo ang pinalakas na police presence sa Zamboanga City. Ito ay sa ilalim ng Oplan Sita na dinisenyo upang mapahusay ang police visibility na mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at prevention ng criminal activities.


Nakisalamuha ang mga pulis sa komunidad, nagpatrolya at pinalalakas pa ang presensiya sa buong syudad.


Ang hakbang ay bahagi ng proactive approach ni Police Brigadier General Rodolfo kung saan bukod sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko at prevention ng criminal activities, natutugunan din ang mga traffic violations.


Naniniwala ang heneral na ang consistent at proactive law enforcement plays ay may malaking papel sa pagbuo ng ligtas na kapaligiran para sa mamamayan.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page