top of page

Pito ang naitala ng DOH na biktima ng paputok mula December 21 hanggang 23, 2025. Pinakamarami ang nasaktan sa boga at 5-star

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa datos na inilabas ng DOH, pito na ang naitatalang biktima ng paputok mula December 21 hanggang December 23 ngayong taon.


Pinakamarami ang nasaktan sa boga at 5-star.


43% sa mga biktima ay edad 20 pataas, habang limampu’t pitong porsiyento naman ang edad 19 pababa.


Ang datos ay mula sa 62 sentinel hospitals na binabantayan ng DOH para sa mga firework-related injuries.


Ayon sa DOH, mas mababa ang bilang ng mga naitalang biktima ng paputok ngayon kumpara sa datos noong December 23, 2024 na umabot sa 28 kaso.


Ayon sa kagawaran, agad na dalhin sa pagamutan kung may aksidente dulot ng paputok.


Agad din umanong tumawag sa national emergency hotline 911 para sa emergency medical assistance.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page