top of page

PLEBESITO PARA SA RATIPIKASYON NG BATAS KAUGNAY SA PAGTATATAG NG BAYAN NG NULING, SHEIK ABAS HAMZA, AT DATU SINSUAT BALABARAN, MATUTULOY KAPAG NAISABATAS ANG BTA BILL NOS. 331, 332 AT 333

iMINDSPH



Ang pag-amyenda sa section 5 ng Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54 at 55 na dineklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang remedyo upang maging “constitutional” ang nasabing probisyon ng mga batas.


Ayon kay BTA Deputy Speaker Lanang Ali Jr sa inilabas na desisyon ng Supreme Court, tanging ang section 5 lamang ng mga nabanggit na batas ang tinukoy ng Korte Suprema, ibig sabihin aniya naayon sa saligang batas ang kabuuan ng BAA Nos. 53, 54, at 55.


Araw ng Lunes ng ihain ng Government of the Day ang BTA Bill Nos. 331, 332, at 333 sa Parliament.


Sa oras na maisabatas ang mga ito, ayon sa mambabatas, nakadepende na COMELEC ang pagtatakda muli ng petsa ng plebesito sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte para sa ratipikasyon ng mga batas para magtatatag ng bayan ng Nuling, Sheik Abas Hamza at Datu Sinsuat Balabaran.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page