top of page

PNP PRO BAR, muling nagdeploy ng 1,534 personnel na dagdag pwersa sa iba’t ibang probinsya sa BARMM ilang araw bago ang halalan sa Lunes, May 12

  • Diane Hora
  • May 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinangunahan ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Macapaz ang send-off ceremony ng 1,534 personnel na dagdag na pwersa sa iba’t ibang probinsya sa BARMM.



Isinagawa ito araw ng Lunes, May 5 sa Camp BGen Salipada K. Pendatun sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.



Kabilang sa mga bagong idineploy ang mga pulis mula sa PRO BAR Regional Headquarters, Regional Support Units, Police Regional Office 13 (PRO 13), at Philippine National Police Maritime Group.

Ang 1,534 personnel augmentation ng PNP PRO BAR na idineploy sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, nung Lunes ay kinabibilangan ng 304 na pulis mula sa kanilang regional headquarters, 100 ang mula sa Regional Mobile Force Battalion 14A, 100 mula sa Regional Mobile Force Battalion 14B, 133 mula sa Regional Support Unit, 647 personnel na nakatakdang sasailalim sa Basic Internal Security Operation Course, at 250 personnel mula sa Police Maritime Group.


Nauna nang sinabi ng PNP PRO BAR na mahigit 11 thousand policemen ang ipapakalat sa buong rehiyon para magpatupad ng seguridad at umalalay sa COMELEC sa halalan sa May 12.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page