iMINDSPH

Inalam ni PNP PRO BAR Regional Director, Police Brigadier General Romeo Macapaz ang paghahanda ng kanyang mga tauhan sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Sur.

Binisita ng heneral ang bawat istasyon ng pulis sa mga munisipyo at inalam ang operational capabilities, resources, at paghahanda para sa nalalapit na halalan sa Mayo at binigyang diin ang kahalagahaan ng intensified security measures, partikular sa election areas of concern.

Muling pinaalalahan ng heneral ang kanyang mga tauhan sa guidance ng Philippine National Police leadership hinggil sa neutrality, professionalism at pagsunod sa election-related protocols.

Pagbibigay diin ng heneral sa kanyang hanay ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa pagprotekta sa demokrasya at pigilan ang anumang uri ng electoral fraud, intimidation, o violence.





Comments