top of page

Police Major, arestado sa Zamboanga Sibugay, matapos mahulihan ng smuggled cigarettes

  • Teddy Borja
  • May 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at Omnibus Election Code ang isang pulis na may ranggo na major matapos mahuli sa isang checkpoint operation sa Border Control Point, Brgy. San Pedro, Tungawan, Zamboanga Sibugay alas 5:50 ng umaga, araw ng Huwebes, a-uno ng Mayo.


Ang pulis ay residente ng purok Ilang-ilang, Barangay San Jose Pagadian City Zamboanga Del Sur.


Ayon sa report ng otoridad-


Isinailalim sa routinary inspection ang sasakyan lulan ang suspek.


Nakita umano ang mga reams ng sigarilyo sa plain view. Wala umanong maipakitang legal na dokumento ang pulis.


Umabot sa dalawampung master cases ang nakumpiska ng otoridad na naglalaman ng 1000 reams ng sigarilyo at nagkakahalaga umano ng mahigit isang milyong piso.


Kinumpiska rin ng otoridad ang pick up na pinagkargahan ng mga kontrabando na minamaneho ng pulis, isang baril at walong mga bala.


Nasa kustodiya na ng Tungawan MPS ang naarestong suspek at mga nakumpiskang smuggled cigarettes.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page