top of page

Pondo ng DepEd para sa pagkuha ng nasa 7,062 School-based Administrative Support Staff para sa mga pampublikong paaralan sa bansa, sapat ayon sa kagawaran

iMINDSPH



May sapat na pondo ang Kagawaran ng Edukasyon para sa pagkuha ng nasa 7,062 na mga School-based Administrative Support Staff para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Ito ang pagtitiyak ng Department of Education sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Sa report, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, ang mga kukuning Admin Support Staff ay isasailalim sa Contract of Service (COS) kung saan, nakabase ang kanilang suweldo sa regional minimum wage.


Dagdag sa report na babayaran ang mga ito sa loob 22 araw bawat buwan bukod pa sa 12.5% na premium na ibibigay naman ng pautay-utay.


Sinabi din sa report na nilalayon ng hakbang na mabawasan ang pasanin ng mga guro upang makatutok sila sa pagtuturo gayundin ang pakikisalamuha sa mga mag-aaral.


Partikular na mababawas sa mga guro ay ang non-teaching task gaya ng paperworks o administrative duties.


Kabilang sa magiging trabaho ng Admin Support Staff ay ang paggawa ng reports, pagtulong sa school programs, gayundin ang paghawak sa clerical task na ibibigay naman ng mga School Head ayon pa sa report.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page