top of page

PPCR 2026 at Program Proposal Crafting: matagumpay na isinagawa ng Maguindanao del Sur Provincial Government

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Bilang paghahanda sa susunod na taon, isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang Provincial Performance Commitment and Review para sa 2026, gayundin ang pagpapaabot at pagbalangkas ng mga program proposal para sa susunod na taon.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, isang mahalagang proseso ito upang matiyak na ang buong pamahalaan ay gumagalaw ayon sa GIVE HEART Agenda: God-Fearing, Inclusive, Values-Oriented, Empowerment, Health, Education, Agriculture, Reconciliation, and Transformation.


Layunin ng tatlong araw na aktibidad na iangkop ang mga programa, tukuyin ang mga prayoridad, at tiyakin na ang mga plano sa 2026 ay tugma sa pangangailangan ng mga komunidad.


Sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at malinaw na pagtuon sa tao, patuloy na isinusulong ng Maguindanao del Sur ang mas tugon, inklusibo, at people-centered governance para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page