PRO 4A Most Wanted Person na nahaharap sa kasong murder, huli sa Wao, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Apr 30
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo sa Sitio Bagong Silang, Banga, Wao, Lano del Sur si alyas "Toper", residente ng Angono, Rizal.
Naaresto si alyas "Toper" araw ng Martes, April 29 sa isang intelligence driven operation.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder at paglabag sa Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, base sa mga warrant of arrest na inisyu ng Kagalang-galang na Hukom ng RTC, 4th Judicial Region, Branch 67, Binangonan, Rizal, parehong may petsang Hulyo 14, 2021 ang warrants of arrest
Sa kasalukuyan, si alyas “Toper” ay pansamantalang nakapiit sa Wao MPS habang inaayos ang mga dokumento para sa pag-isyu ng Commitment Order mula sa korte.
Kommentare