Problema sa malawakang pagbaha sa Central Mindanao at kalapit probinsya, mareresolba lamang kung maibalik ang mga punong pinutol sa kabundukan ayon kay Interim Chief Minister Abdulraof Macacua
- Diane Hora
- May 23
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi lamang dredging ang sagot sa pagalpal o siltation ng Rio Grande de Mindanao ayon kay BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Hindi lamang din ito concern ng mga taga Maguindanao o Central Mindanao ayon sa opisyal. Kinakailangan aniya ang tulong ng national government.
Sinabi ni Interim Chief Minister Macacua, tinalakay na ang usapin ng malawakang pagbaha sa Central Mindanao tuwing malakas ang buhos ng ulan sa kanilang pulong sa League of Provinces of the Philippines.
Aniya, dapat resolbahin muna ang puno’t dulo ng problema at masosolusyunan lamang aniya ito kung maibalik na ang mga pinutol na kahoy sa kabundukan.
Comments