Programa sa kalusugan lalo na sa nutrisyon, suporta sa edukasyon at tiyaking ligtas at protektado ang mga bata sa Maguindanao del Norte mula sa pang-aabuso ang binigyang-diin ni Gov. Tucao Mastura
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

“Sexual Abuse or Exploitation of Children, Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban.”
Ito ang tema ng selebrasyon ng Children’s Month ngayong taon.
Sa kanyang unang State of the Children’s Address sa isinagawang Children’s Congress, ito ang pangako ni Lolo Gov. DTOM sa mga bata.
Sa pamamagitan ng Gender and Development ng Maguindanao del Norte, maraming programa ang provincial government para sa mga kabataan na naka angkla sa DTOM o Development, Transformation, Opportunity for Maguindanao del Norte.
Bago ang SOCA ng gobernador, nagkaroon din ng orientation at lecture ang Provincial Police Office ng Maguindanao del Norte sa pangunguna ni PCol. Victor Rito.
Kasabay ng programa ang pamamahagi ng school kits sa mga dumalo mula sa iba't ibang munisipyo sa Maguindanao del Norte.
Masaya ring nakisayaw ang kabataan sa pasurpresang handog ng pamahalaang panlalawigan.
Lubos naman ang suporta ng mga katuwang na ahensya sa pagsusulong ng isang ligtas na kinabukasan para sa mga kabataang pag-asa ng bayan.



Comments