Project TABANG at TMS OCM, pinalalakas pa ang sistema ng paghahatid serbisyo
- Diane Hora
- 21 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa noong October 30 ang serye ng Key Informant Interviews o KIIs na pinangunahan ng Research and Development Division sa pangangasiwa ng Technical Management Services ng Office of the Chief Minister na naglalayong mapabuti pa ang sistema ng pamamahala at paghahatid ng serbisyo sa Bangsamoro ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG.
Ang aktibidad ay bahagi ng Assessment of the Organizational Health ng Special Programs–Project Management Office na layuning suriin ang kabuuang performance, istruktura at operational efficiency ng tanggapan.
Sa pamamagitan ng mga panayam, layunin ng TMS na mangalap ng mahahalagang datos at pananaw upang mapatatag pa ang mga mekanismo ng pamamahala, mapahusay ang koordinasyon sa pagitan ng mga yunit at lalo pang mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayang Bangsamoro.
Kabilang sa mga lumahok sa panayam ang Project Management Office sa pamumuno ni Project Manager Brahim Lacua, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga serbisyo at programang ipinatutupad sa ilalim ng Project TABANG.
Binigyang-diin ni Lacua ang mahalagang papel ng programa sa pagbibigay ng agarang tulong at direktang serbisyo sa mga mamamayang Bangsamoro, alinsunod sa layunin ng pamahalaang rehiyonal na maghatid ng mabilis, tapat at epektibong serbisyo sa lahat.



Comments