top of page

PROJECT TABANG, kinilala bilang isa sa mga development partners ng Bangsamoro Government sa ginanap na Testimonial and Thanksgiving Lunch na inorganisa ng Office for Settler Communities sa ilalim ng O

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Iginawad ang pagkilala noong Lunes, Disyembre 22, sa pamamagitan ng isang Plaque of Recognition bilang pagpapahalaga sa patuloy at matatag na pakikipagtuwang sa mga programa at aktibidad ng Office for Settler Communities. Binigyang-diin sa parangal ang mahalagang papel ng proyekto sa pagsusulong ng pagkakaisa, inklusibidad, at kooperasyon sa iba’t ibang komunidad sa buong Bangsamoro.


Tema ng aktibidad ang “Bridging Communities, Building Peace: A Year of Partnership, Empowerment, and Inclusive Governance,” kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at ng mga katuwang na organisasyon sa peacebuilding, inklusibong pamamahala, at napapanatiling kaunlaran.


Tinanggap ang Plaque of Recognition nina Abobaker Edris, Deputy Project Manager, at Hadji Harris Ismael, Head ng Information and Communications, na kumatawan sa Project TABANG sa seremonya.


Ayon sa OSC, patuloy na nakakatulong ang Project TABANG sa pagsuporta sa development agenda ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng mga humanitarian, health, at community support initiatives, lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas o GIDAs. Pinagtitibay rin ng proyekto ang paninindigan nito sa Moral Governance at sa pagpapalakas ng kakayahan at dignidad ng mga komunidad.


Nagpaabot naman ng pasasalamat si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa Project TABANG at iba pang katuwang na organisasyon sa kanilang tuloy-tuloy na kooperasyon at sa ibinahaging layunin na bumuo ng mapayapa, matatag, at inklusibong mga pamayanan sa Bangsamoro.


Ang pagkilalang ito ay patunay umano ng lumalalim na ugnayan ng pamahalaan at ng mga development partners sa pagtataguyod ng kapayapaan at sama-samang pag-unlad sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page