top of page

Project TABANG, naghatid ng tulong sa mga apektado ng flash flood sa Brgy. Bulucaon, Pigcawayan

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Agad na kumilos ang TABANG Rapid Reaction Team upang maipaabot ang tulong sa mga residente ng Barangay Bulucaon na sinalanta ng flash flood.


Aabot sa 160 food packs at 10-kilogram rice sacks ang ipinamahagi sa mga pamilyang apektado bilang paunang suporta sa kanilang agarang pangangailangan.


Isinagawa ang relief operation sa pakikipagtulungan ng Barangay Officials ng Bulucaon at lokal na komunidad upang matiyak na ang ayuda ay makarating sa mga higit na nangangailangan.


Patuloy na pinatitibay ng Project TABANG, sa ilalim ng Bangsamoro Government, ang kanilang misyon na maghatid ng agarang tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page