Project TABANG, nagsagawa ng Assessment at Validation sa Lebak, Sultan Kudarat Province para sa ALAB at HOMES Program
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Upang matiyak na tama at karapat-dapat ang mga benepisyaryo ng mga programa sa ilalim ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, naglunsad ng isang linggong assessment at validation ang Humanitarian Response and Services para sa Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB at Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies with Special Needs o HOMES Programs sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat Province.
Bilang bahagi ng field validation, binisita ng team ang tatlong barangay ng Tran, Poloy-Poloy, at Salaman upang tukuyin ang mga eligible o karapat-dapat na indibidwal at pamilya na maaaring mapabilang sa programa.
Nagkaroon din ng assessment sa anim na mga markadz sa mga naturang barangay, kabilang na ang Barangay Salaman.
Ang inisyatibang ito ay naglalayong tiyakin na naaabot ng gobyerno ang mga vulnerable sectors, kasama na ang mga komunidad sa labas ng Bangsamoro core territories.



Comments