Project TABANG, nagsagawa ng Medical Mission sa Pagalungan, Maguindanao Del Sur
- Diane Hora
- Nov 25
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning makapagpa-abot ng serbisyo sa mga kababayang nangangailangan ng serbisyong medikal, nagsagawa ng medical mission ang Health Ancillary Services ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG sa Pagalungan, Maguindanao del Sur noong November 22.
Bahagi ito ng sub-program ng TABANG na Serbisyong Ayudang Medikal o SAM na naglalayong magbigay ng mga mahahalagang suportang medikal at healthcare service sa mga komunidad, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng tulong.
Tinatayang nasa 150 na indibidwal ang nakabenepisyo sa naturang aktibidad.



Comments