top of page

Project TABANG, nakikiisa sa paggunita ng 18-Day Campaign to End VAW

  • Diane Hora
  • Nov 26
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagpahayag ng suporta ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG ng Office of the Chief Minister sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women.


Alinsunod sa Proclamation No. 1172 s. 2006 na nagdedeklara sa November 25 hanggang December 12 bilang taunang kampanya, patuloy ang pangako ng Project TABANG sa pagsusulong ng isang komunidad na malaya sa anumang pang-aabuso.


Ang pagwakas sa karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata ay nagsisimula sa pagpapalaganap ng kamalayan, pakikipagdamayan, at kolektibong aksyon na nagpapalakas sa mga komunidad na labanan ang lahat ng uri ng karahasan.


Sa pamamagitan ng humanitarian support, essential services, at pagkakaroon ng isang ligtas na paligid, maisusulong ang hinaharap na ang bawat kababaihan at bata ay malaya mula sa takot at pangamba.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page