Project TABANG, namahagi ng mga wheelchair sa mga pagamutan at institusyon sa Cotabato City at Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG sa paghahatid ng tulong medikal sa mga institusyon at mamamayan ng Bangsamoro.
Kamakailan, namahagi ito ng mga wheelchair sa ilang ospital at care institutions sa Cotabato City at Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ni Project TABANG Project Manager Brahim Lacua ang pamamahagi at turn-over ng mga wheelchair sa Cotabato Regional and Medical Center, Bangsamoro Hospital, Bahay ni Maria sa Cotabato City, at sa Cotabato Sanitarium and General Hospital sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte kahapon.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Serbisyong Ayudang Medikal o SAM sub-program sa ilalim ng Health Ancillary Services ng Project TABANG, na naglalayong magbigay ng gamot, medical supplies, at assistive equipment sa mga health at non-health institutions, gayundin sa mga indibidwal na nangangailangan.
Sa inisyatiba ng Office of the Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, patuloy ang SAM Program sa pagpapatupad ng mga proyektong naglalapit ng serbisyong medikal ng pamahalaan sa mga komunidad sa loob at labas ng Bangsamoro region.



Comments