Project TABANG ng Office of the Chief Minister, namahagi ng libreng gamot sa 611 na benepisyaryo sa SGA
- Diane Hora
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pamamahagi ng libreng gamot ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG sa mga mamamayan ng rehiyon.
Sa pamamagitan ng Serbisyong Ayudang Medikal o SAM, na isang sub-program ng Project TABANG na naglalayong magpaabot ng medical assistance at accessible healthcare services sa mga komunidad, namahagi ng libreng gamot sa nasa animnaraan at labing-isang benepisyaryo sa Old Kaabakan, SGA.
Bukod sa libreng gamot, nagkaroon din ng iba pang medical services upang agad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan medikal at pangkalusugan.



Comments