top of page

Proposed 2026 budget ng MILG na aabot sa ₱2.103B, isinailalim na sa deliberasyon.

  • Diane Hora
  • Dec 3
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa ikatlong linggo ng subcommittee hearings, hinimay ngayong araw ng mga mambabatas ang ₱2.103 bilyong panukalang badyet ng Ministry of Interior and Local Government (MILG) na nakatuon sa imprastruktura, kabilang ang pagtatayo ng mga pampublikong pamilihan, municipal at barangay halls, at Level II water systems.


Nakalaan din umano sa TuGon Housing Program ang ilang bahagi ng pondo para sa tirahan, suporta sa kabuhayan, at iba pang tulong para sa mga dating combatants sa kanilang pagsusumikap na ganap na makabalik sa komunidad.


Nais din ng MILG na mapanatili ang operasyon ng ilang mahahalagang tanggapan, kabilang ang Bangsamoro READi, Special Geographic Area Development Authority, at ang Bangsamoro Local Government Academy.


Ang proposed budget, ayon sa ministry, ay alinsunod sa prayoridad ng BARMM Interim Chief Minister, lalo na sa pagpapalakas ng mga institusyon at pagpapabuti ng serbisyong pampubliko para sa mamamayang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page