top of page

PROPOSED BANGSAMORO TRUST FUND FOR DEVELOPMENT CONTINUITY

  • Diane Hora
  • Nov 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sumalang na sa unang pagbasa ng BTA Parliament ang proposed Bangsamoro Trust Fund for Development Continuity o BTFDC na isinusulong ni Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr.


Layunin ng panukala na tugunan ang pagka antala sa implementasyon ng mga proyekto dahil sa tinatawag na bureaucratic bottlenecks, procurement issues at limited absorptive capacity.


Papayagan ng fund na manatili, mailipat, at maiprograma sa mga susunod na taon ang mga development allocation na naobliga na ngunit hindi pa nagagamit.


Sakop ng Trust Fund ang unspent balances mula sa Annual Block Grant, Special Development Fund, at iba pang legally sourced funds.


Maaari nitong pondohan ang ongoing o delayed projects sa infrastructure, education, health, livelihood, disaster response, at peacebuilding initiatives.


Hindi pinahihintulutan ang personal o political expenses.


Pamumunuan ito ng Management Board na pangungunahan ng Bangsamoro Finance Minister at ipapatupad sa ilalim ng mahigpit na pamantayan ng transparency at accountability, kabilang ang digital fund tracking at public reporting sa pamamagitan ng Bangsamoro Budget and Accountability Management System (BBAMS).


Tutulungan din ng audit at monitoring units ang board upang masiguro ang wastong paggamit ng pondo.


Pinapahintulutan ng panukala ang pagpapanatili ng pondo nang hanggang dalawang magkasunod na fiscal years, na maaaring palawigin ng isa pang taon sa mga natatanging pagkakataon, upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga proyektong pang-kaunlaran sa BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page