Proposed budget ng mga ministry, office, at agency sa BARMM, patuloy na tinatalakay sa budget hearing ng BTA Parliament Subcommittees on Finance, Budget, and Management
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Halos hatinggabi na natapos ang hearing ng proposed 2026 budget ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform kahapon, November 20, 2025.
Ayon kay Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo, tiniyak nito na natukoy ng komite ang mga paraan upang maihabol ng ministry ang mga backlogs nito at maipaabot ang serbisyo para sa mga magsasaka at mangingisda.
Samantala, nagkaroon din ng interpelasyon sa sesyon kahapon kaugnay sa Committee Report No. 164, partikular sa Consolidated Parliament Bill No. 3523 at 25, o ang paglikha ng Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Commission.
Sinuri ng mga mambabatas ang mga probisyon ng panukala upang masiguro na nagagabayan ito sa tamang terminolohiya at sapat na tulong para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Samantala, ngayong araw naman, sumalang sa Committee on Finance, Budget, and Management Subcommittee B ang Ministry of Public Order and Safety para sa kanilang proposed 2026 budget.



Comments