Proposed budget ng MIPA para sa taong 2026, sumalang na sa pagdinig ng Committee on Finance and Budget Management, Subcommittee C
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Sa budget hearing ng Committee on Finance and Budget Management, Subcommittee C, nais ng mga mambabatas ang mas malinaw na plano mula sa MIPA kung paano susuportahan ng nasabing alokasyon ang 562,535 IPs na nagrerepresenta sa 11 tribal groups sa BARMM.
Tinanong din ng mga committee members, kung paano mas epektibong maabot ng mga miyembro ng Parliament at ng Bangsamoro Government ang mga komunidad ng IP.
Iprenisinta rin ng MIPA officials ang components ng proposed budget, kabilang na ang ancestral domain at land tenure services, conflict mediation, legal assistance, IP governance at leadership development, gayundin ang preservation of customs at traditions.
Sakop din ng proposed budget ang patuloy na community initiatives tulad ng disaster preparedness education, relief assistance, environmental protection activities, medical outreach missions, at socio-economic support para sa IP areas..



Comments