top of page

PROPOSED GENDER AND DEVELOPMENT (GAD) CODE

  • Diane Hora
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sinimulan na ng Committee on Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities ng Bangsamoro Parliament, ang apat na araw na deliberasyon para sa pinal na pagsasaayos ng Parliament Bill No. 336, o ang panukalang Bangsamoro Gender and Development (GAD) Code.


Binuksan ng mga mambabatas ang pagtalakay sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangunahing prinsipyo ng panukala bago tumungo sa mga mungkahing amyenda.


Ayon kay Deputy Speaker Laisa Alamia, mahalagang malinaw na maipaliwanag ang mga prinsipyo ng batas upang hindi ito maging malabo sa implementasyon.


Muling tinalakay ng komite ang mga rekomendasyong nakalap mula sa mga naunang konsultasyon at technical working group meetings. Kabilang sa mga inimbitahang tagapayo ay mga legal experts at iskolar mula sa mga Islamic institutions upang magbigay ng pananaw.


Ang panukalang GAD Code ay binubuo ng pitong kabanata na sumasaklaw sa sumusunod:


general provision; protection and prevention measures; welfare; development and empowerment; institutional mechanisms; penal provisions; at final provisions.


Una itong itinakdang maipasa noong Marso, ngunit naantala dahil sa pagpapalit ng liderato sa BARMM.


Inaasahang magpapatuloy ang deliberasyon hanggang sa Agosto 1 upang maisapinal ang pinal na bersyon ng draft code.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page