Proposed measure na palakasin ang pagsunod ng local government sa national at regional solid waste management laws, isinusulong sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Jul 25
- 2 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng panukalang batas, lahat ng LGUs ay ire-require na ipatupad ang comprehensive solid waste management plans, kabilang dito ang segregation, collection, at disposal systems na angkop sa unique capacities at conditions ng bawat bayan.
Upang matiyak ang implementasyon, nilalayon ng proposed measure ang pagtatatag ng Bangsamoro Regional Solid Waste Management Board na attached sa Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy o MENRE.
Ang board ang magre-review at mag-a-apruba ng local waste management plans, makikipag ugnayan sa LGU at magbigay ng technical assistance lalo na sa mga bayan na limitado ang resources at mahirap ang terrain.
Ang mga local counterparts sa provincial, city at municipal levels ay i-o-organisa rin para ipatupad ang parehong mandato at palakasin ang koordinasyon sa buong rehiyon. Upang tugunan ang kakulangan sa sanitary landfill facilities sa maraming LGUs, ipinapanukala rin ang phased compliance framework base sa waste volume, technical at financial capacity, at kahandaan para sa inter-LGU partnerships.
Sa ilalim ng sistemang ito, ang LGU na hindi makapag establish ng sariling landfills dahil sa geographic o budgetary constraints, ay hinihikayat na bumuo ng clusters sa pagitan ng kalapit munisipyo o syudad upang pag isahin ang pagdevelop at pag operate ng shared facilities.
Dapat ay matugunan ng kasunduan ang pamantayan ng national at Bangsamoro environmental and procurement standards.
Sa ilalim din ng panukalang batas, minamandato rin ang pagbuo ng multi-purpose environment cooperatives o associations sa bawat LGU. Inaasahang susuporta o direktang ipatutupad ng grupong ito ang waste management projects tulad ng composting, recycling, at community clean-up drives.
Upang i-incentivize ang pagsunod sa hakbang, kalakip sa panukala ang rewards system para sa LGUs at private organizations na gagamit ng innovative at effective waste reduction strategies.
Kasama din sa panukala ang mga ipinagbabawal at penalties na nakasaad sa RA 9003, kabilang na ang multa para sa illegal dumping at non-segregation, at administrative sanctions para sa local officials na bigong ipatupad ang batas.
Ang proposed measure ay iniakda ni Member of the Parliament Amenodin Sumagayan.
Comentarios