Proposed P114 billion pesos ng BARMM Government para sa taong 2026, aprubado na sa lebel ng Committee on Finance, Budget and Management ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Matapos ang halos isang buwan na pagbusisi sa panukalang badyet ng mga ministries at kung nasusunod ba umano ang prinsipyo na “sa bawat sentimo, Bangsamoro ang sentro”, inaprubahan na ang proposed P114 billion budget ng BARMM Government para sa taong 2026 sa lebel ng Committee on Finance, Budget and Management ng BTA Parliament.
Isusumite na sa Bangsamoro Parliament ang budget report ng komite para sa plenary deliberations.
Hinimay sa deliberasyon ng komite ang utilization at performance ng bawat ministry sa nakalipas na taon, gayundin ang kanilang plano kung paano gamitin ang kanilang budget allocation para sa susunod na taon.
Ayon sa komite, may mga ministry na tumaas ang budget, nagkaroon din ng adjustment para sa iba, habang ang iba na naisagawa ang mandato sa takdang panahon ay nanatili ang budget.
Sa 2026 budget, patuloy na binibigyang prayoridad ang edukasyon, health, infrastructure, at social services, na ayon sa mga mambabatas ay mahalaga sa pagpapaunlad ng kondisyon ng pamumuhay at pagtataguyod ng long-term development sa buong rehiyon.
Sinabi ni CFBM Chairperson MP Kitem Kadatuan, isusumite na ang budget sa Bangsamoro Parliament para sa plenary deliberations, kung saan sasailalim ang proposal sa refinement bago ang final passage nito.



Comments