top of page

Proposed Salamat Excellence Award for Leadership (SEAL), muling hinimay ng CLG Committee

  • Diane Hora
  • Aug 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Muling hinimay ng Committee on Local Government (CLG) ang mga probisyon ng Parliament Bill No. 355 sa isang committee hearing, araw ng Martes, August 12.


Ang panukala, na inihain ni CLG Chair at MP Naguib Sinarimbo, ay naglalayong gawing pormal ang SEAL program na nagbibigay-parangal sa mga natatanging local chief executives simula pa noong 2021.


Bagama’t unang ipinatupad ang programa ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), binigyang-diin ni Sinarimbo na layon ng panukala na matiyak ang pagpapatuloy nito at magkaroon ng permanenteng mekanismo para sa pagkilala sa huwarang pamumuno.


Isa sa pangunahing probisyon ng panukala ang pagtatatag ng SEAL Endowment Fund na magsisimula sa halagang P250 milyon. Sa ilalim ng panukala, ang pondo na pamamahalaan ng Bangsamoro Treasury Office ay magbibigay ng insentibong pinansyal sa mga pararangalan, kabilang ang isang gintong medalya na nagkakahalaga ng P500,000 at P20 milyong grant para sa kanilang local government unit (LGU).


Pinuri ni Deputy Speaker Baintan Ampatuan ang panukala, partikular ang pagtatatag ng nasabing pondo, dahil magtitiyak ito ng sustainability nang hindi nabibigatan ang kasalukuyang pondo ng gobyerno.


Nakasaad din sa panukala na ang pondo ay pamamahalaan alinsunod sa Shari’ah-compliant investment principles.


Pinapurihan naman ni Monaliza Mangelen mula sa Al Amanah Islamic Investment Bank ang panukala, lalo na ang insentibong pinansyal, na aniya ay makatutulong sa pagpapaunlad ng mga LGU.


Nakatakda pang magsagawa ng karagdagang konsultasyon ang komite kasama ang Ministry of Finance, Budget, and Management at ang Bangsamoro Treasury Office upang tuluyang plantsahin ang mga probisyon sa badyet ng panukala.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page