top of page

Provincial Convergence Activity kaugnay sa selebrasyon ng 47th National Disability Rights Week, matagumpay na isinagawa sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • Jul 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, ipinakita ng lalawigan ang matibay na suporta at pangako sa inklusibong serbisyo at pantay na oportunidad para sa lahat, anuman ang pisikal na kakayahan.


Kabilang sa mga nanguna, nakiisa, at dumalo sa makabuluhang aktibidad si Mayor Datu Mando Mastura at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa Provincial Disability Affairs Office MILG-Maguindanao; MOSEP TESDA-Maguindanao; MOLE-Maguindanao; PHO-Maguindanao; BIR; Project TABANG; MSSD-MOH; PhilHealth; MSSD-BARMM; at MAFAR-Maguindanao.


Tinalakay rin sa programa ang mga benepisyong maaaring makuha ng ating mga PWD tulad ng Tax Incentives at Discount Benefits, na mahalagang hakbang upang higit silang mapalakas at mapabilang sa lipunan.


Ang temang “Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together” ay nagsisilbing paalala na tungkulin ng bawat isa sa atin ang pagtutulungan upang makabuo ng isang komunidad na bukas at handang tanggapin ang lahat, walang maiiwan.


Ang Maguindanao del Norte ay patuloy na magiging “probinsya para sa lahat” kung saan ang serbisyo ay walang pinipili, at ang bawat sektor ng lipunan ay may boses at karapatan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page