Provincial Government ng Basilan, nakibahagi sa Bangsamoro Children’s Congress
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Present ang Provincial Government ng Basilan sa kauna-unahang Bangsamoro Children’s Congress, na pinangunahan ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children sa ilalim ng Ministry of Social Services and Development, katuwang ang Ministry of the Interior and Local Government, UNICEF, at Council for the Welfare of Children.
Sa pagtitipon, nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan mula Basilan upang marinig ang kanilang karanasan at panukala sa mga isyung direktang nakakaapekto sa kanila.
Aktibong dumalo ang mga delegado ng lalawigan sa plenary sessions, workshops, at interactive activities upang itaguyod ang karapatan ng mga bata at palakasin ang kanilang leadership.
Tema ng selebrasyon ngayong taon: “Protect Childhood. Defend their Rights. Invest in their Future.”
Patuloy ang suporta ng Provincial Government of Basilan sa ganitong mga programa upang masigurong ang tinig ng bata sa probinsya ay kasama sa mga usaping pangrehiyon at isinasalin sa konkretong aksyon sa mga komunidad.



Comments