Provincial Government ng Basilan, nakiisa sa pagsusulong ng 18-Day Campaign to End VAW
- Diane Hora
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Basilan Governor Mujiv Hataman kasama ang kanyang maybahay na si Isabela City Mayor Dadah Turabin-Hataman ng 18-day Campaign to End Violence Against Women sa probinsya.
Sa temang "United for a VAW-Free Philippines” nakasentro ito sa pagtutok sa proteksyon ng mga kababaihan, malinaw na serbisyo at aktibong pakikilahok ng mga komunidad.
Binigyang-diin ni Governor Hataman ang papel ng malawakang information drive upang ipaalam sa mamamayan ang halaga ng kampanyang ito at ma-iangat pa ang kamalayan upang mas maging epektibo sa pagtatanggol ng karapatan ng mga kababaihan at pagbaklas sa kultura ng pananahimik sa pang-aabuso.
Hinimok din nito ang mga kalalakihan na maging mulat at sensitibo sa mga obligasyon at responsibilidad sa mga kababaihan.



Comments