top of page

Provincial Government ng Basilan, pinalalakas ang mga programa at proyekto sa sektor ng agrikultura sa lalawigan

  • Diane Hora
  • Nov 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakipagpulong kamakailan si Basilan Governor Mujiv Hataman sa Provincial Agriculture Office upang talakayin kung paano pa higit na matutulungan ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.


Layunin nito na mas mahusay na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang komunidad sa Basilan.


Pinag-usapan din ang mga programa ng Provincial Agriculture Office, mula sa crops at fisheries hanggang sa technical assistance at community-focused initiatives na umaabot sa mga barangay.


Kasama rin sa tinalakay ang Magtanah Program, na naglalayong tiyakin ang tuloy-tuloy na suporta sa pagtatanim, kabilang ang gabay, training, at follow-through sa mga pamilyang umaasa sa lupa at dagat.


Tiniyak ng Provincial Government na may mga programa ang probinsya na makakatulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan—na itinuturing na susi sa mas matatag na pagkain sa hapag at mas maraming oportunidad sa kabuhayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page