top of page

Provincial Government ng Maguindanao del Norte, ipinatupad ang Temporary Fishing Suspension dahil sa Bagyong “Uwan”

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang bahagi ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda at residente sa mga baybaying lugar, naglabas ng Fishing Suspension Advisory ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte kaugnay ng banta ng Super Typhoon “Uwan.”


Batay sa inilabas na advisory ng Pamahalaang Panlalawigan, ipinagbabawal ang lahat ng pangingisda sa coastal at marsh areas sa loob ng teritoryo ng Maguindanao del Norte mula Nobyembre 9 hanggang 12.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng pag-iingat sa posibleng epekto ng Super Typhoon “Uwan,” na nagdadala ng malalakas na hangin, matinding pag-ulan, at delikadong kondisyon sa karagatan na maaaring magdulot ng panganib sa mga mangingisda at mga komunidad sa baybayin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page