iMINDSPH
Isinailalim na ang provincial government ng Maguindanao del Sur sa national validation para a Seal of Good Local Governance Award 2024.
Isinagawa ang SGLG national validation araw ng Lunes matapos pumasa ang lalawigan sa Regional Level Validation.
Ang SGLG ay ang pinaka-prestihiyosong parangal ng DILG na ibinibigay sa isang Local Government Units (LGUs) na nagpakita ng kapuri-puri at makabagong mga kasanayan sa lokal na pamamahala.
コメント