top of page

Provincial Government ng Maguindanao del Sur, nagsagawa ng dredging operations sa Pandag bilang tugon sa problema sa baha

  • Diane Hora
  • 4 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



ree

Matapos ang matinding pagbaha na tumama sa iilang barangay ng Buluan, agad na nag-utos ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang na magsagawa ng dredging operations sa bahagi ng bayan ng Pandag upang tugunan ang sanhi ng pagbaha at mapangalagaan ang mga karatig-bayan.


Ang bayan ng Pandag ay isa sa mga kritikal na lugar sa daloy ng tubig palabas ng bayan ng Buluan.


Layunin ng operasyon na palalimin at linisin ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang muling pagbaha.


Bago isagawa ang proyekto, nagsagawa muna ng community consultations upang malaman ang hinaing ng mga residente at matiyak na ang mga hakbang ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.


Ang dredging operation sa Pandag ay isang malinaw na patunay ng “Serbisyong May Puso” isang pamumunong handang makinig, kumilos at maglingkod nang may malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page