Provincial Government ng Maguindanao del Sur, nagsagawa ng medical mission sa Datu Piang
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na adhikain na dalhin ang serbisyo sa mga komunidad, nagsagawa ng medical mission ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa bayan ng Datu Piang, sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, noong November 19.
Sa ilalim ng programang Serbisyong May Puso, nagkaroon ng libreng konsultasyon, gamot, at iba’t ibang health assistance para sa mga residente ng Datu Piang.
Ipinakita ng aktibidad na ito ang malasakit at pagsisikap ng probinsiya na maghatid ng tuloy-tuloy na serbisyo sa mamamayan.



Comments