top of page

Provincial Government ng Maguindanao Del Sur, nagsagawa ng Tree Planting Activity

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa ilalim ng liderato ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang, matagumpay na naisagawa ang isang tree planting activity sa Barangay Makat, Datu Paglas bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan.


Ang naturang programa ay pinangunahan ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator, katuwang ang Municipal Government ng Datu Paglas at iba pang sektor.


Sa temang “A Small Seed Today, A Greener World Tomorrow”, layon nitong ipakita ang kahalagahan ng maliliit na hakbang tungo sa pangmatagalang kaularan.


Bawat punla ay simbolo ng foresight, resilience, at pag-asa para sa mas luntiang hinaharap.


Binigyang-diin din ng LGU na ang mga punong itinanim ay nagsisilbing natural na imprastruktura, nagpoprotekta ng watershed, nagpapalakas ng biodiversity, at nakakatulong sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad. Ang proyekto ay bahagi rin ng mas malawak na responsibilidad ng LGU na isama ang ecological balance sa lahat ng plano, programa, at proyekto ng lalawigan.


Naniniwala ang Provincial Government na sa pamamagitan nito ay makabubuo ng mas maayos, mas malusog at mas matatag na Maguindanao del Sur para sa mga susunod na henerasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page