Provincial Government ng Maguindanao Del Sur, nagsasagawa ng clearing operation sa mga nagkumpulang water hyacinth sa mga ilog at lawa sa bayan ng Buluan, upang maibsan ang pagbaha
- Diane Hora
- Dec 1
- 1 min read
iMINDSPH

Matagal nang problema sa probinsya ng Maguindanao del Sur lalo na sa mga kalapit na munisipalidad ng Buluan ang pagdami ng water hyacinth sa mga ilog at lawa na nagiging sanhi ng pagbara ng mga daluyan ng tubig kung kaya ay nagreresulta sa malawakang pagbaha kapag umuulan.
Apektado rito ang kabuhayan ng mga mangingisda, kaligtasan ng mga residente at pang-araw-araw na pamumuhay ng komunidad.
Kaya naman ipinatutupad ni Governor Datu Ali Midtimbang, ang clearing operations upang alisin ang water hyacinth sa Buluan River, Lake Buluan at iba pang kalapit na ilog.
Hangad ng pamahalaang panlalawigan na mabawasan ang panganib ng pagbaha, mas ligtas ang mga kabahayan at mas napoprotektahan ang kabuhayan ng mga residente.



Comments