Provincial Government ng Maguindanao del Sur, namahagi ng school supplies at iba pang gamit para sa kabataan kasabay ng pagdiriwang ng 7th Kulintang Festival ng Datu Piang
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Nakibahagi ang Maguindanao del Sur Provincial Government sa selebrasyon ng 7th Kulintang Festival sa bayan ng Datu Piang.
Bilang bahagi ng selebrasyon, namahagi ng school bags, school supplies, at armchairs para sa mga mag-aaral.
Pinangunahan nina Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Ustadz Hisham Nando ang inisyatiba, na bahagi ng mas malawak na adhikain ng probinsya na pagtibayin ang kinabukasan ng kabataan at maging bahagi sila ng positibong pagbabago sa komunidad.



Comments