Provincial Government of Basilan, inilunsad ang “Magtanah Para sa Kinabukasan” program para sa mga magsasaka
- Diane Hora
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng adbokasiyang paigtingin ang lokal na produksyon sa agrikultura, inilunsad ng Provincial Government of Basilan, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, ang programang “Magtanah Para sa Kinabukasan,” na naglalayong gawing mas produktibo at kapaki-pakinabang ang pagtatanim ng mga magsasaka sa probinsya.
Sa ilalim ng programang ito, hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng magsasaka at agripreneurs sa Basilan na makilahok upang palakasin ang agrikultural na produksyon at matulungan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Bukas ang registration hanggang Nobyembre 20, kung saan maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code o personal na pagpunta sa Office of the Provincial Agriculturist sa Tabuk, Isabela City.
Kailangan lamang magdala ng:
Isang National ID o dalawang government-issued IDs
Dalawang 2x2 ID picture
Katibayan ng pagmamay-ari o pahintulot sa paggamit ng lupa
Larawan ng sakahan o ani.
Para sa karagdagang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0975-746-5285.



Comments