Provincial Government of Maguindanao del Norte, inactivate ang Emergency Operations Center at Incident Management Team upang masiguro ang kahandaan at kaligtasan sa anumang uri ng sakuna
- Diane Hora
 - 8 hours ago
 - 1 min read
 
iMINDSPH

Kasabay ito ng paggunita ng 100 Days of Purposeful Leadership ni Governor Datu Tucao Mastura, at sa bisa ng Executive Order No. 9, Series of 2025, opisyal nang operational
ang EOC at IMT na pamamahalaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Layunin ng nasabing tanggapan na tiyakin ang maayos, ligtas, at epektibong pamamahala ng lahat ng operasyon kaugnay ng mga makasaysayang kaganapan sa lalawigan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10121, o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, magsisilbing sentrong koordinasyon ang EOC para sa incident monitoring,
resource allocation, at inter-agency communication. Samantala, ang IMT naman ang magiging katuwang sa pagpapatupad ng safety protocols, emergency response,
at logistical operations sa mismong lugar ng aktibidad.
Ang pagpapagana ng EOC at IMT ay patunay ng proactive leadership ni Governor Mastura, alinsunod sa kanyang adbokasiyang Development, Transformation, and Opportunity
in Maguindanao del Norte o DTOM Vision.



Comments