top of page

Provincial Government of South Cotabato, naglaan ng ₱1.5 milyon para sa iron folic supplements at supplementary feeding program sa probinsya

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang labanan ang iron deficiency anemia at tulungan ang mga batang kulang sa nutrisyon, naglaan ang Provincial Government ng South Cotabato sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng ₱1.5 milyon para sa iron folic supplements at supplementary feeding program.


Makakabenepisyo rito ang mahigit 4,400 secondary school girls, kabilang sa Weekly Iron-Folic Acid (WIFA) Program.


Ayon kay Community Affairs Officer Angela Frugalidad, mahalaga ito upang matulungan ang mga kabataang babae, lalo na sa edad ng pagdadalaga, na mapanatili ang tamang nutrisyon at kalusugan.


Nagsimula ang distribusyon noong November 10 sa Polomolok National High School – Cannery Site at Polonuling National High School sa Tupi, katuwang ang DepEd at DOH.


Magpapatuloy ito sa iba pang paaralan sa probinsya mula November 11 hanggang 19, kabilang ang mga paaralan sa Tampakan, Tantangan, Lake Sebu, Banga, T’boli, Surallah, Norala, Sto. Niño, at Koronadal City.


Ayon sa Provincial Government, ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 24 tablets kada taon (isang tableta kada linggo) upang maiwasan ang anemia at mapabuti ang blood health.


Ipinapaalala rin ng health workers na mas mainam kapag may kasamang Vitamin C para mas mabilis na ma-absorb ng katawan.


Bagama’t nakatuon sa female adolescents ang programa, hinihikayat din ang mga buntis at binata na magkaroon ng sapat na iron intake upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.


Sa ilalim ng liderato ni Governor Reynaldo Tamayo Jr., isinusulong ang programang ito sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office – Nutrition Division upang mapababa ang kaso ng anemia sa kabataan sa South Cotabato.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page