top of page

Proyektong Sports Complex sa Cotabato City na nagkakahalaga ng mahigit kumulang 1 billion pesos, aprubado na ng Sangguniang Panlungsod

  • Diane Hora
  • Aug 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

PHOTO FOR REFERENCE ONLY


Tuloy na ang pagtatayo ng all-in-one sports complex sa Cotabato City.


Ito’y matapos aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang proyekto sa sesyon, araw ng Martes.


Ang proyekto ay isinusulong ni Cotabato City Councilor Nasrudin “Jonas”.


Ang sports complex ay itatayo sa sampung ektaryang lupain sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.


Ito ang unang proyektong inaprubahan ng 18th Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Johair Madag.


Hinihintay na lang ang final resolution at Memorandum of Agreement para masimulan ang konstruksyon.


Pinasalamatan ni Councilor Mohammad ang Bangsamoro Sports Commission at si Mayor Bruce Matabalao sa kanilang suporta at inisyatiba para sa pagkakaroon ng sariling sports commission ng Cotabato City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page