PSA, bumisita sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte para sa 2025 Updating ng List ng Agricultural Farm Operators at Listing ng Marine Fish Landing Centers
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Naganap ang pagpupulong noong Agosto 20, kung saan tinalakay ang 2025 ULAFO-LMFLC — isang nationwide undertaking ng PSA alinsunod sa Republic Act 10625 o ang Philippine Statistical Act of 2013 at Executive Order No. 352.
Layunin ng aktibidad na makakuha ng kumpletong datos sa mga magsasaka, pamilyang mangingisda, at marine fish landing centers na magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa at polisiya para sa agrikultura at pangingisda.
Tiniyak naman ng PSA na ang lahat ng makokolektang impormasyon ay mananatiling confidential at protektado alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Ang 2025 ULAFO-LMFLC ay inaasahang magbibigay ng malinaw na larawan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, upang higit na mapalakas ang mga programang magpapaunlad sa kabuhayan ng mga Bangsamoro.”



Comments