top of page

Public consultations hinggil sa 6 na BARMM districting bills, patuloy na ikinakasa sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon

  • Diane Hora
  • Dec 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy sa pag-usad ang anim na panukalang batas na inihain sa BTA Parliament hinggil sa BARMM districting.


Muling nagkasa ng public consultations ang BTA nitong Huwebes sa lalawigan ng Basilan at Special Geographic Area.


Tinalakay sa konsultasyon ang Parliament Bill Nos. 403, 407, 408, 411, at 415 na naglalayong lumikha ng 32 parliamentary districts sa buong BARMM.


Habang ang Parliament Bill No. 416 ay nagsusulong naman ng dalawang parliamentary districts sa SGA.


Sa Basilan, nais ng mga local officials, youth groups, civil society organizations, at representatives mula sa academe ang pagkakaroon ng limang parliamentary seats para sa island province.


Apat sa proposed measures ang nagsasaad ng apat na district seats para sa Basilan, habang ang PB No. 411 ang nag-iisang panukala na nagrerekomenda ng limang districts.


Muli namang iginiit ng mga residente ng SGA ang panawagang dalawang district seats para sa lugar, na binubuo ng walong munisipyo at 63 barangays at may population na mahigit 214,000.


Sinabi ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Spokesperson at Floor Leader John Anthony “Jet” Lim na nananatiling committed ang Parliament para sa isang “transparent, inclusive at legally compliant” districting process.


Binigyang-diin naman ni Deputy Speaker Laisa Alamia, na nanguna sa consultation sa Basilan, ang agarang pagpasa ng districting law.


Dagdag pa ng mambabatas na dapat ay makumpleto ng BARMM ang panukala pagsapit ng December 18 upang makapagsagawa ng first parliamentary elections sa March 2026.


Nakatakda naman ang susunod na public consultations sa December 7 sa Lanao del Sur at Cotabato City, December 10 sa Maguindanao del Sur, at December 12 sa Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page