iMINDSPH
Dininig ng Health Committee ng BTA Parliament ang saloobin ng mga mamayan ng Parang, Maguindanao del Norte kaugnay sa layunin na gagawing provincial hospital ang kasalukuyang Iranon District Hospital
Ikinasa ng Committee on Health ng BTA Parliament ngayong araw ang public hearing hinggil sa Parliament Bill No. 246 kung saan ipinapanukala na gagawing provincial hospital ang kasalukuyang Iranon District Hospital sa Parang, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ni MP Hashemi Dilangalen ang pagdinig. Sinabi ng mambabatas na tinitiyak nilang mapakinggan ang saloobin at pananaw ng mga mamamayan ng Parang at Maguindanao del Norte hinggil sa proposed measure.
Comments