Pugante na kabilang sa Top 10 Most Wanted ng Region XII na nahaharap sa kasong frustrated murder, huli ng awtoridad sa Isulan, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Aug 22
- 1 min read
iMINDSPH

Balik kulungan ang isang pugante sa Isulan, Sultan Kudarat na nahaharap sa kasong frustrated murder at kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng Region XII.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Borge”.
Inaresto ito alas 10:30 ng umaga, araw ng Miyerkules, August 20 sa Barangay Kalawag ng bayan.
Dalawang daang libong piso ang inirekomendang piyansa ng korte sa kaso.
Matapos maaresto, agad na dinala ang suspek sa Isulan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.



Comments