top of page

Pulis, Appointed Government Official at 66 sibilyan, arestado ng PNP PRO 11 dahil sa paglabag sa COMELEC Gun Ban; 72 mga baril, nakumpiska din!

iMINDSPH


Sa report ng Police Regional Office 11, as of February 28,2025-


Labinlimang pag-aresto ang isinagawa ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang COMELEC checkpoints sa rehiyon kaugnay sa ipinatutupad na COMELEC Gun Ban.


Sa pinalalakas na implementasyon nito, 66 na sibilyan ang arestado, isang pulis at isang Appointed Government Official kung saan 72 naman ang kabuuang bilang ng nakumpiskang baril at 479 rounds ng mga bala kabilang na ang dalawang explosive devices.


Tuloy ang panghuhuli ng PNP PRO 11 sa mga gun ban violators at pagtugon sa iba pang peace and order-related concerns bilang pagtiyak sa pangako na pagsiguro ng isang ligtas, payapa at malinis na May 2025 election.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page